Over drive..
Sarap magdrive ngayon. Masarap gumala at magliwaliw sa kawalan. Ilang buwan din ang lumipas na halos sugatan. Mapait. Mapagdamot ang bawat pagkakataon. Inakala mong totoo ang lahat sa iyo. Iyon ang iyong buong akala. Kinawawa ang pusong walang kalaban-laban.Tumakas sa mga aksidente sa kalsada. Naging mapag-ubaya ka ngunit naglaho ang lahat. Sila yung mga taong itinuring mong sa iyo,itinuring mong iyong-iyo. Di mo sinasadyang masaktan ka ng iba. Masakit, ngunit wala kang magawa kundi tanggapin ang bawat pagkakataon. Huli na ang lahat. Ninanais mong habulin ang bawat pagkakataon. Hinabol mo nang matulin, pinatakbo ng mabilis ang karborador. Inapakan ang silinyador. Ngunit, hindi pa din sapat ang buong lakas na iyong inialay. Huli na, Hindi mo na maabutan ang daanan na dating ninyong tinahak. Nasaktan ka na at lumuha. Wala na sila. Wala na silang lahat. Nag-iisa ka na lamang nagmamaneho ng sasakyang dati'y marami kayo, hanggang sa naging dalawa hanggang sa naging wala na. ...
Masarap mag-drive, kahit saan mo nais na makarating, posible ito. Kailangan lamang na full tank ang iyong sasakyan. Upang hindi tumirik sa iyong dinadaanan.Minsan nagtataka ako sa sarili ko, nawalan ba ko ng gasolina kaya ako iniwan? o nawalan ako ng preno kaya nakasagasa ako? alin ba? Hindi ko alam. Ang alam ko lamang ngayon ay ako ay nag-iisa sa aking sasakyan. . . Malungkot ngunit kailangan kong tanggapin, hindi sa lahat ng oras, masarap magmaneho mag-isa...
wala na kayo.
wala na siya.
wala ka na.
Ako na lamang at ang malupit na kalsada.
P.S Blog ko to dati pa, post ko lang, kasi sa tingin ko maganda pa rin siyang article. ehehe
No comments:
Post a Comment